Showing posts with label Rainy days. Show all posts
Showing posts with label Rainy days. Show all posts

Tuesday, October 23, 2007

One Fun Rainy Morning.

Pababa pa lang ako ng bus, nagbla-blog na ang utak ko. :) If it wasnt coincindental and if i was only a little more malicious, id say mashadong sexual ang mag-bus. Before you get to the door, kung kanino kaninong katawan, tiyan, pwet ang makakadikit mo for atleast 1 and a quarter seconds each. But its been raining since yesterday, so inspite of the feel-and-walk going on, Im still lucky to have caught the bus ride today, yesterday nag taxi ako, bleeding na naman ang budget, imagine instead of only 18-19 pesos, if i take a taxi ride again, it will cost 120-130 pesoses, depende pa yan kung si manong driver-sweetlover ay hindi mag papadagdag meaning "ma'am plus 50 pesos po, malayo po yun, di po kasi ako dun papunta" aba. may pupuntahan na pala tong mga taxi na to, bakit di na lang sila naging private use na lang. Sa loob loob ko "hay...namasada pa kayo".

Kanina, the bus was almost full so i had to take my seat way at the back of the bus. I already know dun pa lang that i will have to battle my way out later pag dating sa bus stop destination ko. And I did. Im looking for the floor where i can take my next step and all i could see were asses against asses 'Nagkalat ang mga lalaking J.Lo sa bus na to'. "excuse me po, makikiraan lang" can i blame them? masikip lang talaga. I have to thank 'Inertia',a law of force and reaction tama ba? The lady behind me is literally pushing me like a grocery cart. Finally I got out the bus and opened my black hellokitty umbrella. Ashoosh, pilay ang umbrella ko. Sira na. While i was fixing it, Another lady wearing a beige bank teller uniform opened hers and fed me a part of her umbrella. Sakto talaga sa bibig ko, hindi ko alam kung maiinis ako.. pero masisi ko ba siya kung maliit lang siya at pagbukas ng payong niya sumakto sa bibig ko. So i just let it go. Partly i wanted to say, "thanks for the breakfast, pero kumain na ako" ;)
Flavor: Wet dripping Maroon Umbrella
Taste: like Wet Rubber Tires (not like i ever tasted one before, na visualize ko lang)

Eventhough its raining, may nagpakain sa akin ng payong, and pilay ang payong ko, and bad hair day ako kasi hindi ko napatuyo ng maayos ang hair ko, i told myself to look at the bright side (although madilim dilim ang morning) hindi pa ako late for work. So i was walking towards our building when a car passed by....SPLASHED. Nagswimming ang mga paa ko. Do you know that squishy feeling when there's water in your shoes? Exactly. Look at the bright side pa rin, at least the splashed only reached my feet and not my whole celestial body. Ahem. :) repeat after me : Celestial body. hahaha ;p

Its been a fun morning. Lets see how the rest of the day goes. :)

Tuesday, August 7, 2007

Manila; Sinabawang Gulay.

Sing: Makulay ang Buhay. Makulay ang Buhay sa Sinabawang Gulay. :)

O ayan nanaman ako, una Manila the fruit salad ngayon naman Manila; Sinabawang gulay.


Yes, finally the Dry spell in Luzon is almost broken (over ). All thanks to Chedeng. (actually the name of the storm, and definitely not referring to any brand of automobile or to myself lalo na). It was raining since last night and a little since last afternoon. This morning, classes have been suspended in all levels except for college level, it will be the school's discretion to have or not have class. Anyway Ryan shook me up:


Ryan: Ang lakas ng bagyo labylab, walang pasok, wala kayong pasok. text mo office kung may pasok kayo.
Che: (peeks a little and closes my eyes) anu ba...meron. mamaya na wag ka magulo.
Ryan: Sabi nga sa news. na suspend na lahat ng class in all levels, elementary, grade school and college halos wala na rin pasok.
Che: anu ka ba...eh hindi naman ako student.. meron nga yan.
Ryan: malay mo wala
Che: Meron. meron. meron.meron.


Meron nga. I took a hot bath, grabeh ang lamig. I kissed them goodbye and I was off to work.

Naisip ko ang sarap sanang matulog dahil malamig pa, Tapos si Ryan wala siya work today, house lang siya, kainggit. But again.... things to do...places to be.


When the elevator opened on the ground floor. Para akong swerteng pinag aagawan ng mga pedicab driver "dito dito dito" (sabay kaway) I chose the one who hasnt given me yesterday's change. "dito na lang ako, may utang sa akin to' ".


He pedaled through Luzon St. bridge and we went in to Avenida. We got stuck in the traffic although every now and then the cab would budge a little. I had to put my feet up during the ride because the streets were flooded. Every movement makes little waves and fountain splashes and flood would get in the sidecar washing (although dirtying is more like it) my feet if i had let it down. The flood water was 4 inches-above-the-ankle deep. Some just bravely pulled their pants up, folded the bottom and trekked the DEAD sea. Dead- dahil patay ka sa mga bacteria at kahindik-hindik na kung anu-ano pa na babasa sa balat mo sa pagsulong mo sa baha. Mga tourist dito na kayo, if you're into immersions, adventure to'. :)
This was why I just had to put my feet up. This shot was taken this morning while I was in the pedicab and stuck in traffic. Ito yung pinaka sahig ng pedicab, Water is gushing in already. The plastic drape is also partially dipped in the flood also.

Kung sana hindi kinukurakot ng politiko ang pera ng bayan, eh di naipapayos ang dapat ayusin, at kung sana may malasakit ang pinoy sa kanyang paligid, eh di sana mas malinis at malamang iwas baha tuwing umuulan. Kung sakali, sana litrato ng magandang eksena ang bawat pag ulan sa Maynila.


Manila is a fruit salad, pero pag may baha, sinabawang gulay. :) You'll meet a lot of different people here, different lifestyles, different beliefs. A lot of things can happen to you. A lot of changes. And a whole lot of challenges. Makulay nga buhay eh. Even in toughest shit, if you know how, you can see beautiful things through. Admittedly, the city is also a lot of other things 'but' and 'and' if i am to live forever dito sa Pilipinas (which has about 85% chances of coming true) hahaha :p, I will live dito lang sa Manila. Sure I'd visit Cebu, Palawan, Batangas, Pampanga, Bagiou, Mindanao etc. etc. but I'm forever Manila.

Pero kung out of the country ha, sama ako jan. :) dalhin ko na lang sa heart ang Manila.hehehe


Love Your Own.


Ay! kanina nga pala muntik na ako mag mala-gymnastic split sa Recto while hailing for taxi. Siguro o.a kasi ako, hahaha. When I stepped back down kasi may stepping height yung sidewalk, My left foot landed on a slippery area and i sort of slid a little, thanks sa maduduming poste ng Recto, nakahawak ako kaagad at hindi ako tuluyang nag mala-wet look doon. Utang ko sa inyo ang aking pagmu-mukha.hehehe

Of course, medyo nahiya ako, supposedly magta-taxi nga ako pero nung may dumating na bus, sumakay na ako kaagad. hahaha marami kasing nakakakita sa akin. Act cool, then mamaya ka na mag panic. hahaha :)

Di bale next time, blog me about yung mga beautiful places sa Manila. In time.