Saturday, February 7, 2009

Growing old with me ;p

Dati. Syet. Talagang once upon a time eh noh. Naabutan ko pa yung time na uso pa yung letters, chain letters (kinakalyo ako dito ah),love letters, secret admirer letters, nakakatuwa, and nakakatawa kasi parang looking back ang bagets ng dating hahaha. Bagets kung bagets. Malakas pa ang kita ng stationery papers noon. May mga TCCIC JAPAN ITALY GERMANY at kung anu ano pang bansa ang ginagawan ng acronyms. Siguro baduy pero comparing, feeling ko lang mas cute yung ganun.

Pag may gusto ka forwardan ng message talagang kailangan bibili ka pa ng statio, o manghihingi pwede rin, tas taking your time to write your sweet kabaduyan and minsan mag i-scratch paper pa muna. Drafting hahaha . Ginagandahan pa yung sulat....effort
Poems, bentang benta. Love songs todo emote. ;)
Nung na revive yung mga I’ll always love you” “ You’re the Inspiration” “ Two less lonely people in the world” sige isama na natin and “I drive myself crazy” “For all of my life” “This I promise you” pati na mga debut hit songs ni Britney at ng backstreetboys. Bangenge men. Pa F.L.A.M.E.S. flames lang, uso pa ang easychums at pocketbells, tamagochi, pati magic diary para itype ang birthdays and malaman kung soulmates kayo ng crush mo ;p Parker pens pa ang uso, tech-pens, g-tech mga ganun. Sa ngayon siguro makakatangap ka na lang ng letters kung may letter of disconnection ka na sa kung anu mang bill na hindi mo pa bayad or siguro may subpoena ka. Extremes eh noh.
Andun siguro ata kami sa timeline na transition phase, kasi at the start of cellphones andun din ako (parang dinosaur lang eh noh), hindi nga lang ako kagad nag ka cel, except finally binilan ako ng lola ko ng my first very own celphone…..yun lang nga ALCATEL na hugis safeguard na kulang na lang Ipanligo ko ;p high tech kasi yun eh cel na sabon pa. Di naglaon, Nokia na rin me, walang humpay na paglalaro ng snake. Tuwang tuwa sa mga casing na transparent, sa mga colorfuL keypads, sa pagdating ng colorful backlights, sa pagpacute ng acetate backgrounds. Hahaha.
Mapunta naman tayo sa fashion. Unang porma ng pagdadalaga= hip hoppers. Mga pants kulang na lang mahubad na, mga tshirts kala mo hiniram sa laki. Mga backpacks, sneakers. Tas nauso na yung straight cut, then nagging flairs, uy dalaga na kami Balita ko nga out na ang skinny jeans and babalik na daw ang padded shoulder blouses? how true? hindi ako pabor sa padded shoulders Trivia: sino itong friend ko na nag pa-padded shoulder blouse noong una kaming magkakilala? sorry friend naalala lang kita bigla. di naman nila mahuhulaan eh.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
I was a kid at the time of Shaider and Bioman,

a teenybopper at the time of backstreetboys, Britney and Erap,
And a woman at the time of Obama
.

Naks. May ganun eh noh..........
“where old is only when you forget the things you were, getting there”

No comments: