Terence (Jericho Rosales): Emerald Kailangan natin mag usap, dahil may nararamdaman tayo para sa isa't isa.
Emerald (Sarah Geronimo): Baket...mahal mo ba ako?
Terence (Jericho Rosales): OO, ako ba mahal mo?
HaHaHa, kinilig naman ako with matching na-excite. ;p Joloogs hahaha, :p ito yung mga konting kabakyaan ko. Hindi naman ako consistent na nakaka-follow sa everyday run, minsan lang pag medyo naabutan ko, but personally i like to watch Filipino soaps rin, but and but- sa Channel 2 lang. Kapamilya kasi ako :P. X sa Tv remote control ang Channel 7, except sa news. Kasi I appreciate yung Imbestigador and Saksi as well. Basta Documentary News reporting - okay.
Balik tayo sa soaps, I remember sobrang tuwang tuwa talaga ako sa Kampanerang Kuba,Buntis pa ako noon, and I usually joked na ako si Kampanerang Bundat. :) Mga around that time I saw Anne Curtis with her then-boyfriend (si Paolo Araneta..Paolo ba first name niya?hmm i forgot) sa Rockwell and im almost too jologs na gusto kong sumigaw ng "Imang" (which was her name in Kampanerang Kuba) and go crazy. Pero hindi ko naman ginawa yun haha, It was bad enough that I was wearing christmas tree-printed PJ's malling and worst,hindi naman Christmas - February yun. Chinese Christmas? (lusot ba? ;p)
Hahaha, anyway, Ang na-appreciate ko at present is yung Pangarap na Bituin and Isabella.
Judy just morphed into hotness early this year tama ba? or late last year?
(hindi naman sa hot as in hot ala Lindsay or Paris or Nicole) ..hot item lang kasi parang naka cross-over siya from being tagged siopao, baduy and 'masa' to sexier and more appealing to other social classes. Fitrum Sales went sky rocketing because of her. Being in love with Ryan Agoncillo actually amplified her career as well, unlike unfortunately Jericho Rosales and Heart who pulled each other down sa kanilang serye before na Panday which was almost a total flop. By the way,Heart just came into the picture last night sa Pangarap na Bituin, She looked radiantly beautiful,I think magiging effective siya sa kanyang supporting role here. The Tv Screen did miss her still.
Nga pala okay for your reference,Here's a short insight on Juday's Market ngayon:
Dati saying that Juday wows you and is very pretty is usually most often than not, social suicide (kahit pa pag uwi mo, nanunuod ka rin naman ng Mara-Clara at naawa kay Mara) pero ngayon hindi na. Your comments are most welcome sa society today. :) Juday is like blooming kasi ngayon. and may fashion sense na :) Plus the given talent na talaga namang she can act. Parang she's reached that star na Philippine TV Legend na, along side Sharon, etc.
******
So yun wala lang, na share ko lang kasi nga nanuod ako kagabi.
In between commercials ng movie ni Kim Tiu and Gerald Anderson with that lame drama punch line:
Kim tiu:
" Bakit ang bike na pre-preno? Bakit ang celfone, na lo-lowbatt? Bakit ang puso......hindi napipigilan ?"
WhaaaaAAAttttt.....nakakagalit. Sana naimprove pa yung script. kasi parang corny and irritating ang dating kesa touching. (I think Kim and Gerald should move on with ibang ka-love team, wala naman na silang sparks eh after PBBTeen1, although sabi nila mabenta pa rin daw outside NCR and sa TFC. hay fine.who cares...)
and isa pang nakaka annoy na commercial is yung sa Max. Yung lalaking may ulo sa tiyan niya na nag iingay...wala na bang ibang ideas jan? hmm and
After ko rin nun manuod nung movie na "Wrong Turn" another morbid thriller film - ala' The Hills Have Eyes, so-so.
Buti pa yung pinanuod namin ni Ryan last Sunday, The Four Feathers. Grabeh tearjerker, Heartcrimping movie. Sobrang bilib me sa story and personality ni Harry (Heath Ledger- cutie pa rin up to now) and Kate Hudson talaga is the beauty na hindi nakakasawa, very cute. The casting was good, the story - lahat. :)
Abangan ang susunod na kabanata...lunch muna ko. :)
No comments:
Post a Comment