Tuesday, September 11, 2007

Laki sa Lola

Last Sunday was grandparent's day.
I was able to greet my Amah who is now residing in Florida.

Ang Lola ko at ako...
Here are a few memories:

* Watching Chinese Films in a very old Chinese Theatre in Ongpin.Sa sobrang luma na, kami na lang dalawa ang nanunuod.This place was torn down and we know it now as the "Presidents Restaurant."

* 1 peso per chinese word spoken. 2 Peso per throwing the trash out. 1 peso per using of chopsticks instead of spoon and forks while eating. Evertyhing is business hahaha :P Chinese way. dati pa ito ha... nung mga 6 years old pa lang ako :)

* At the height of cellphone popularity, I was not allowed to own one up until i was already in my senior year in high school. Hindi na uso ang 32-10 noon ang uso yung mga 82-10 Nokia phones. Jologs na rin ang may antenna na phone. and my amah gave me ....for my first celphone ever my own Alcatel ala safeguard social suicide phone. :P shempre i love it, ma hu-hurt si amah pag hindeh. haha yun nga lang super tinatago ko na lang sa bulsa or sa bag pag nasa school ako hehehe.

* Minsan naman pag uwi ko naabutan ko siya sa rocking chair, may kinakalikot siyang Nokia 61-10. by then college na ako sa UST. Extinct na ang ganoong phone noon, alam ko na nga para sa akin yun eh, kasi nakangiti na siya, tapos isa isa niyang pinagmamalaki sa akin yung features ng cel, sabi niya" wow ang ganda neto...may phonebook.. at high tech may calendar pa" (spoken in chinese fukien) , shempre kailangan shock na shock ako sabi ko nga " wow oo nga noh... wow thank you amah.." :) nakakatuwa talaga yun. Hey its always the thought that counts!!!

* Pag may sakit ako akala mo death stage na ako eh, todo di matutulog yan, aircon, at ang walang kamatayang 7-UP (buhay na buhay si Fido Dido sa buhay ko noon ;p) at Ma-hu (yun parang brown na dry na coarse strips na nilalagay sa lugaw). Mega massage sa ulo and sa back and sa kung saan saan pa na nangangalay.

* Everytime mag fly back siya to US, parang panic buying tinatambakan niya ako ng mga favorite ko, pork n beans, shampoo, toothpaste, pati nga napkin eh, parang pang 1 year supply.

* Haha yan kasi si amah, minsan pag nag ca-casino or mahjong di na yan umuuwi, so one night i thought di na siya uuwi so mega feel na feel ko mag gugulong sa kama, hephep 'PAK!!!' nagising na lang ako nang mag landing sa mukha ng lola ko ang kamay ko. umupo nga ako kaagad at sabi ko sa kanya " im sorry ama...sorry" at si amah alam niyo ano ginawa? very forgiving...Walang sabi sabi, gumising, umupo, at sinapak din ako sa mukha bago humiga ulit at natulog...waaaaahhh iyak talaga ko noon. ;p

* Minsan naman may earthquake noon, nasa terrace kami. Sabi niya" Bilis halika dito". at ako naman ewan ko ba, medyo natatawa ako kasi yung mga kapitbahay namin kumapit sa wall na parang mga butiki, finally lumapit na ako kay amah at sabi ko "amah....kung mamamatay ...mamamatay" sabay "PAK!!!!" sinampal ako ni amah at inalog alog ako at sinabing nasasapian daw ako ng masamang spirit... o di ba? :P ahahaaha ;p

Actually marami pang iba....
Si amah one time sabi niya " Naiinggit na mga pinsan mo sayo, bakit sila di ko pinapaaral etc etc...ikaw oo. mabuti pa pabayaan na rin kita..."

I said " o di sige..alam mo amah.., maraming meron sila, and ayaw naman nila mag aral, ako ikaw lang meron ako, ikaw nag aalaga sa kin, kung wala ka na...wala na rin ako..."
Ang dramaa!!! hehehe ;p
Happy Grandparents Day!!!

wait for me, fly kami jan...:) you just wait!