Monday, February 11, 2008

Boy Tawid

...itatawid ko ang gutom ko.

Ryan drove me to work this morning:

che: "Hopia!" "Hopia!"
ryan: "Bakit ka ba Hopia ng Hopia jan!"
che: "Wala lang. eh gusto ko eh..paki mo?"
ryan: "hopia ka ng hopia jan eh Nakita mo nag da-drive ako?" (aba at magugulatin, hindi naman nag kape...)
che: "so???? hopia! hopia! hopia!"
and we ended up laughing. ;p (sweet namin noh?)

Na traumatize na ata ako. Eversince we encountered Manong Pabundol ng Pabangga Gang along Makati, pag may tumatawid, medyo uneasy na ako, pakiramdam ko, tatakbo silang bigla at babangga sa amin at gugulong gulong sa kalsada kaya ayan this morning napapa-hopia hopia ako (which is admittedly a poor choice of expression by the way...and hindi naman ako kumakain ng hopia). Especially pag nasa makati kami, I cant help but remind Ryan na may tao sa gilid, or may tao sa center island although alam ko naman na nakikita niya rin sila:

Che: "Oh! may tao! ingat!!" "AAHhh! wag kang tatawid! tanga!"
Ryan: "Anu ka ba? Ba't ka ba nag papanic?"
Che: "Hindi ako nag papanic..Its a trap!! kunyari hindi sila tatawid pero tatawid sila."
Ryan: "Anu ka ba? Hindi yan scammer, nakita mo naka formal attire, pang office.."
Che: "so??? costume lang nila yan!"
tapos tawanan na naman. ;p

I mean atleast hindi ako katulad ng boyfriend ng pinsan ko (although, fine O.A ako minsan, but i prefer the term 'cautious' hahaha ;p). Anyway, in the case of my cousin's bf: A person allegedly ran towards his car and shempre nabangga/nagpabangga. And medyo lang naman bumalentong rin. At dahil isang tunay na Samaritan ang boyfriend ng pinsan ko, huminto siya at binaba ang kanyang bintana.. sabay sigaw ng "Tanga!!!" then humarurot na paalis. Note: ayon sa kwento ni cousin's bf,hindi naman namatay at hindi rin naman nabali ang buto ni Boy Tawid. (malay ko. siguro na observe niya)

Hindi ko alam kung kulang ang pedestrian lanes sa Manila. Kulang ba ang mga Pedestrian lights (yun ba tawag dun?), kulang ba sa edukasyon ang mga tao? kulang ang pera ng bayan? or kulang kulang talaga mga ibang tao ngayon? I dont know, how many people ang nag gaganitong raket. Magpapabunggo for a little money? (little crimes like this have gigantic effects with regards to molding the majority's perception, tuloy nababalewala ang buhay,kapalit ng konting pera, so kasalanan ba ito ni Gloria,example.. instead sana nung pumunta sila ni FG sa dubai at tumira sa take note 7-star hotel na ang isang gabi ay hindi bababa ng 100,000$ or more, sana ginamit na lang ang hard cash na ito sa mga programang para sa mahihirap na nakapila para sa konting budget.) Sorry hindi ko napigil mag insert ng konting political subjective views...anyway... as far as I know,Life used to be more valuable.

Good morning Pilipinas!


~~Cash and Charge PartII~~





No comments: