Wednesday, December 19, 2007

Pasalamat si Santa, Imaginary Siya.

Happy Holidays!

Noong ako ay batang musmos pa at cute na cute. :p
Nagsasabit ako ng school socks ko sa Christmas tree (well bahala na si Santa di ba kung tingin niya luma na yung medyas ko at medyo kupas na) .
Sabi nila darating daw si Santa pag natutulog na kami.
Wala naman kaming chimney or fireplace na pwede niyang maging 'portal of entry' ;p so i imagined siguro si Santa may magic siya, he can appear and disappear as he please.
Come night, Hindi ko sinasara yung pinto ng Kwarto para masilip ko kung dumating siya. I will pretend to close my eyes and sleep so pag nakita niya, he'll appear, yun nga lang I always end up falling asleep for real.
Siguro naka more than one Christmas din yun. I wondered why hindi ko siya maabutan.

Until one morning when i found yung regalo raw ni Santa for me.
wow. Chocolates sa loob ng isang jar na hugis Christmas tree.
Kaso may napansin ako.
Kung bigay ito ni Santa sa akin, at galing ito sa kanyang Toy Factory sa Northpole..
Bakit...Bakit...bakit may tag price sticker ng "Shopper's Mart" at peso price na nakadikit sa ilalim ng jar?
And then everyone laughed guilty.
So dun ko na realize na wala palang Santa Claus.
Syet nauto ako. :) Pakabait bait pa ako. :p

Pero you know what, If Santa was true and talagang pwedeng mag wish ng regalo:
Here's what i want for myself this Christmas:
- A Car. (the works..ipa pimp my ride mo na rin ;p)
- New lenses for my camera (yung mala inter-planetary sa layo.. kaya pa rin i-zoom)
- Tripod (na naglalakad ha para di ko kailangan bitbitin at ilipat lipat, pwede rin yung may kamay para siya magbitbit sa akin)
- A new professional digital camera set in pink na may embossed initials ko in real gold, pwede yung strap studded ( so kailangan customized)
- A star cruise ticket for 4 complete with daily allowance of 500 dollars.
- 100 million dollars ( hahaha at least hindi billions or gazillions, may awa pa ako)


Helllllooooow Si Santa siya so dapat itodo na di ba? Ipagawan niya ng paraan sa kanyang helper elves. Kung pwede pa nga patrabahuhin na rin nya reindeers niya. Actually pigil pa yan ha ;P hekhekhek pagbigyan niyo na ako. Kunyari lang naman noh!;p ( so kunyari rin hindi lang siya sa mga babies and mga bata nag reregalo, pati na rin sa mga baby face at batang isip ganun) Im so mean to Santa, he definitely wont come for me. ;p

dont damn me yet if i sound worldly.
So why not good health and peace and love and all those things money cant buy? eh kasi po even if Santa was true, hindi pa rin siya si GOD. This we pray to God. As for good will and generosity and good hearts, even if siya si Santa and we can pray this to God as well, this can only come from us. Naks!


No comments: