Friday, December 28, 2007

Winner Takes All ;)

Some men say that tayong mga babae hindi tayo nagpapatalo. Ito kaya ay totoo sa akin?


Scenario: May nagbigay sa iyo ng hikaw na 24 Karatssss gold. Nag CR ka at toink! parang nahulog ata. The thing is hindi mo alam kung saan. Paano mo ito sasabihin sa nagbigay sa iyo?

Che: Ry....nahulog
Ry: Ang anu (mega PSP ng PSP)
Che: Yung hikaw (sweetly)
Ry: Saan
Che: Sa CR

Ryan went to the CR and from the outside,I could hear some undefined noises of things being moved. When he came out, he did not look too happy. I was anticipating him and as he said "Ay nako! Panu ka ba kasi maghilamos? (sabay re-enactment kung pano ako maghilamos, in-fairness ha kuhang kuha kung papano), nag flush ka ba ng CR?" note: when i wash my face kasi, todo bigay, pang commercial ng facial wash. splash everywhere. I use both my hands and then may follow through movement pa yan so once i've splashed the water from my hands to my face, yung motion ng hands ko umaabot sa ears. ;p

Che: OO Pagka flush ko, derecho naghilamos ako tapos narinig ko na lang nahulog hikaw ko! (with matching certainty in my eyes)
Ryan: Sus! kasi naman! (medyo inis na ata) sigurado ka ba dito mo nahulog sa CR??
Che: OO OO oo nga jan nga sa CR!

They say that when a person is acting angry, wag ka mag pauna especially if its your boyfriend kasi masasanay raw next time. So what i did was:

Che: Alis ka na jan! ako na ang titingin! (dabog dabog kunyari)
Ryan: (Walking away) Ang swerte mo na lang pag nakita mo yan jan, hinanap ko na mabuti jan.
Che: wag mo ko pakialaman.

I couldnt find it anywhere. Then He called me and said "Eh ano tong andito sa may cabinet sa pinto?!" looking really righteous. (kaasar) note: ang layo ay isang liko at mga around 5 yards.

I thought ' ngek! sa labas pala nahulog' but of course pinanindigan ko ang deadma effect and answered:


"Panu napunta yan jan! akin na nga!! " nakakunot pa face ko jan, sabay suot ng hikaw ko then turn to watch tv.

At ako pa galit eh noh. :)

music pasok: can you handle me the way i are?


No comments: