anyway...next scene nasa delivery room na ako:
che (after hours of non stop complaining and whining and crying): "please doctor cesarian na lang huhuhuhu.. di ko kaya umire..ayoko na umire..huhuhu.. di ko kaya..ayoko na..huhuhu cesarian na lang kasi please"
Drs (naiinis but encouraging voice): "hindi pwede.. ayan na o. 10 cm ka na. konti na lang... nakikita ko na yung ulo"
che (hagulgol): "SINUNGALING! anung ulo? di mo kaya makikita yun eh...huhuhu di ba maliit lang yun parang dadaanan huhuhu (with matching demonstration using my hands kung gaano kaliit sa tingin ko ang passage way)
or the painful painless:
Che (numb butpsychologically hurting) :aray ko ang sakit...ang sakit..aray aray...ouchie aray.
Drs: ay nako...ikaw lang ang naka painless na umaaray. dagdagan nga ng anesthesia to.
Yes. oo maarte akong patient. oo marami akong complain. oo pinagod ko ang mga doctor. oo, shit lang naiire ko mag isa.
And just a day after giving birth, I was walking on the hallway dun sa building namin,nakasalubong ko yung maid ng kapitbahay:
Neighbor's maid (smiling): ate naku malapit na yan,ilang araw na lang manganganak ka na.
Che (awkward smile back): eh nanganak na nga ako eh. tapos na ko manganak.
(deep inside- huhuhu...nanganak na nga ako eh anu ba kayo.. nanganak na ko)
Naiisip ko nga pwede na ako kumuha ng visa sa australia, bilang kangaroo.
And then there was a time, puro si Ryan lang ang gusto niya, ang kalaro niya, ang katabi niya...hay nako...happy man ako, kakainggit din. para akong left-out. ( "ah O.p! O.p!)
Che (seryosong slightly volume up ang boses ko dito): OO na oo na, ikaw na ang daddy, ikaw na ang mommy, happy mother's day! happy father's day!!!!
Dumaan ang mga anghel. moment of silence.
Sabay tawanan. We just laughed. :p
Hay and now she's maka-mommy naman ngayon. It's payback time. hehehe(corrrrnny mo zuno) She is our everyday wonder and she makes all my ugly duckling tormenting days during pregnancy worth it. :) I know ive probably reminisced the whole transition to motherhood many times already, but its just not possible to get over it. :) She is truly God's grace.